Listahan ng 5 milyong pamilya na makatatanggap pa ng SAP halos kumpleto na ayon sa DILG
Halos makumpleto na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng dagdag na 5 milyong pamilya pa na makatatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Sa ilalim ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madagdagan ng 5 milyong pamilya ang 18 milyon na naunang benepisyaryo ng SAP.
Sa pulong ng Inter Agency Task Force, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na sa ngayon, 4,094,311 na pangalan na ng mga benepisyaryo ang naisumite na ng mga lokal na pamahalaan.
Kaunti na lamang ang kulang para makumpleto ang 5 milyong dagdag na beneficiaries.
Handa na rin ayon kay Año ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.
Magiging katuwang na aniya ang PNP at ang AFP para sa pamamahagi ng cash assistance.
Dagdag pa ni Año gagamit na ngayon ng ATM payment scheme kaya inaasahang mas magiging maganda at maayos ang proseso ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.