30 staff ng isang barangay hall sa QC nagpositibo sa Rapid Test para sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 09:17 AM

Nagpositibo sa COVID-19 rapid testing ang 30 staff ng isang barangay hall sa Quezon City.

Simula ngayong araw, June 5, 2020 ay suspendido ang operasyon ng Barangay Hall sa Barangay South Triangle.

Tatagal ang suspensyon sa loob ng tatlong araw.

Sa abiso ng barangay, sinabi nitong hindi pa naman ibig sabihin na positibo na sa COVID-19 ang mga nagpositibo sa Rapid Test.

Ang mga empleyado na nagpositibo sa rapid test ay agad isinailalim sa quarantine at kukuhanan sila ng confirmatory swab tests gamit ang RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) tests.

 

 

 

TAGS: barangay south triangle, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, rapid test, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, barangay south triangle, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, rapid test, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.