Mag-asawang sakay ng motorsiklo, hindi pa rin pwede ayon sa IATF

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 09:02 AM

Malabo talagang mapayagan sa kasalukuyang sitwasyon ang pag-aangkas sa motorsiklo.

Ito ay kahit pa sabihing mag-asawa, magkapatid, mag-ina o mag-ama ang magka-angkas sa motorsiklo.

Sa pulong ng Inter Agency Task Force, tinanong ni Senator Bong Go si Interior and Local Government Sec. Eduardo Año kung hindi pa maikukunsidera ang pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo kung magkasama naman sa bahay ang magka-angkas.

Ani Go, marami silang natatanggap na reklamo at apela sa senado para payagan ang pag-aangkas kung mag-asawa naman o magkapamilya ang sakay lalo ngayon na mahirap pa ang public transportation.

Sagot naman ni Año kay Go, walang pinipiling tamaan ang COVID-19 mag-asawa man, mag-ama man o mag-ina.

Mas dapat nga aniyang maging maingat ang mag-asawa dahil malalagay din sa panganib ang iba pang kasama nila sa bahay pati mga anak kung pareho silang tatamaan ng sakit.

“Kahit sabihin natin na mag-asawa, magkapatid, wala namang pinipili ang virus. Kaya nga dapat kahit sa bahay may physical distancing pa rin,” ayon kay Año.

Ayon kay Año, kung ang mister ay nagtungo sa kaniyang opisina at na-infect ng COVID-19, at iaangkas nito sa motorsiklo ang kaniyang misis ay maisasalin na nito ang virus.

Apela ni Año sa publiko magtiis-tiis na lamang muna sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

“Hindi naman po ito forever. At kalusugan po ang pinag-uusapan natin dito, hindi po ang convenience. Mas costly po kapag nagkasakit silang dalawa (mag-asawa),” dagdag pa ni Año.

 

 

 

 

TAGS: DILG, mootrocycle, no angkas policy, DILG, mootrocycle, no angkas policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.