Kim Chiu nagpaliwanag na sa MMDA tungkol sa viral video na pagsasayaw kalsada

Nagpaliwanag na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aktres na si Kim Chiu tungkol sa viral video nito ng pagsasayaw ng single niyang ‘Bawal Lumabas’ habang nasa kalsada.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na humingi ng audince sa kanila ang aktres para ipaliwanag ang kaniyang panig.

Sa kumalat na video, sinabing nasa EDSA umano si Chiu at nagsasayaw sa labas ng kaniyang sasakyan.

Ayon kay Garcia, sinabi ni Chiu hindi totoong sa EDSA nangyari ang kaniyang pagsasayaw.

Sa parking lot aniya ng isang establisyimento nangyari ang pagsasayaw at nakaparada noon ang sasakyan.

Sinabi ni Garcia na pinaalalahanan lamang nila ang aktres na tiyaking hindi nagkakaroon ng paglabag sa batas trapiko, at batid naman aniya ito ng aktres.

 

 

Read more...