Bagong sistema na ipinatupad sa EDSA naging epektibo sa unang limang araw ng GCQ ayon sa MMDA

Naging epektibo ang unang isang linggong pagpapatupad ng pagbabago sa sistema sa EDSA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sa unang limang araw ng pag-iral ng General Community Quarantine sa Metro Manila ay naging epektibo ang paglilipat sa bus lane.

Bagaman sa ngayon, tanging bus augmentation para sa MRT-3 pa lamang ang dumaraan sa naturang linya, sa mga susunod na araw aniya ay dadaan na rin dito ang City buses na papayagan nang bumiyahe.

Sinabi ni Garcia na naging smooth din ang daloy ng traffic para sa mga pribadong sasakyan, dahil wala nang obstruction kapag kailangan nilang kumanan palabas ng EDSA.

Una nang sinabi ng MMDA na plano nilang gawing permanente na ang pagbabago sa EDSA sa sandaling maging epektibo ito.

 

 

 

Read more...