P4M halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Laguna; 4 na suspek arestado

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 07:37 AM

Aabot sa P4 na milyong halaga ng shabi ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Laguna.

Nakuha sa suspek na si Samson Tan alyas Yusuf Sultan ang 600 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Loma, Biñan, Laguna.

Nadakip din ang mga kasamahan niyang sina Dexter Abdala, Ansadin Kamid at Dexter Salik.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villanueva si Tan ay tatlong buwan nang isinasailalim surveillance bago ang ginawang operasyon.

Naaresto na din ito noong 2008 ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil din sa kasong may kaugnayan sa shabu.

Pero iniapela nito ang hatol sa kaniya ng korte at nakalaya din makalipas ang ilang taong pagkakakulong.

 

 

 

TAGS: 4 suspects arrested, buy bust operation, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 4 suspects arrested, buy bust operation, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.