Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 2,294 na

Umakyat na sa 2,294 ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito ay batay sa update ng Epidemiology and Disease Surveillance at Quezon City Health Department hanggang alas 11:00, Huwebes ng gabi (June 4).

Sa nasabing bilang, 2,184 ang nakumpirmang kaso ng DOH na may kumpletong address.

Nasa 2,056 naman ang mga kaso na na-validate ng QCESU at district health offices.

Sa ngayon, 844 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 pandemic sa lungsod.

1,026 na ang naka-recover at 186 ang pumanaw dahil sa sakit.

 

 

 

 

Read more...