Ridge of HPA at Easterlies magdudulot ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa ngayong araw

By Mary Rose Cabrales June 05, 2020 - 06:04 AM

Mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan sa bansa ngayong araw ng Biyernes, June .

Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, sinabi ni weather specialist Ariel Roxas nakakaapekto sa hilagang Luzon ang Ridge o extension ng High Pressure Area (HPA) habang nakakaapekto naman sa ibang bahagi ng bansa ang hangin mula sa dagat pasipiko o ang eaterlies.

Mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na may mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms lalo na sa bahagi ng Central at Northern Luzon.

Mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan sa bahagi ng Visayas at Mindanao na may mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

Dagdag pa ng PAGASA mas malalakas ang iiral na thunderstorms sa bahagi ng Mindanao.

Wala namang inaasahang papasok na sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Samantala, wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya maaring maglayag ang ating mga mangingisda at may mga maliliit na sasakyang pandagat.

Nilinaw ng PAGASA na isa o dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa PAR at ang mga posibleng maging pangalan ng mga bagyo ay Butchoy, Carina, Dindo, Enteng at Ferdie.

 

TAGS: easterlies, high pressure area, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, easterlies, high pressure area, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.