Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon (June 4) ng maghapon ay mayroong dumating na 1,389 na mga Overseas Filipinos.
Sa nasabing bilang 353 ang galing sa Saudi Arabia na pawang nagtatrabaho sa isang construction company.
Sila ay isinailalim sa repatriation ng kanilang employer dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19 sa ekonomiya.
Mayroon ding 340 na Filipino seafarers mula sa Italy ang nakauwi.
Sila ay pawang crew ng MV Costa Cruises.
Habang mayroon pang 512 na seafarers na crew ng MV Scarlet Lady mula USA, AIDA cruises mula Germany, Celebrity Constellation mula Greece at MV Horizon at Azamara Quest mula Dubai ang nakauwi.
Pinakahuling dumating ang 184 Pinoy na pawang nag-avail ng amnesty ng Kuwaiti government.
Lahat ng umuwing Pinoy ay sasailalim sa mandatory 14-day quarantine.