Pangulong Duterte may public address ngayong araw
Magkakaroon ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes (June 5) mapapanood ang public address ng pangulo.
Dapat ay kagabi isasagawa ang public address pero kalaunan inanunsyo ni Roque na ngayong umaga na lamang ito ipalalabas.
Una nang sinabi ng Malakanyang na si Pangulong Duterte ay nasa Davao City at doon magwo-work from home para sa buong linggo.
Doon na din ginawa ang pulong ng pangulo sa IATF Huwebes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.