Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,703 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 3.
Sa nasabing bilang, 1,206 ang aktibong kaso kung saan 202 ang asymptomatic, 1,003 ang mild at isa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 736
– Nurse – 993
– Nursing Assistant – 176
– Medical Technologist – 109
– Radiologic Technologist – 56
Nasa 336 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,465 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 3.
Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.