COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,529; 29 ang nadagdag
Karagdagang 29 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (June 4), umakyat na sa 1,529 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 978 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 271 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 123 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 113 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,481 ang suspected cases.
Umabot naman sa 447 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 104 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.