COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 712 na
Pumalo na sa 712 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 4), 14 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 712, 297 ang aktibong kaso.
322 ang itinuturing na probable cases habang 1,462 ang suspected cases kung saan 2,090 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng mga gumaling.
Dahil dito, 358 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 57 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.