P5.1-B halaga ng shabu, nakumpiska sa Bulacan drug bust

Aabot sa P5.1 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska matapos ang drug-bust operation sa Marilao, Bulacan na ikinasa ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group.

Naaresto sa operasyon ang Chinese citizen na si Yuwen Cai gayundin sina Angela Miole Tulio at Ma. Lyn Miole Tulio.

Sa inisyal na ulat, isinagawa ang operasyon bandang 3:00 ng hapon ng Huwebes sa isang bahay sa Reley St., Barangay Lias.

Nakasilid sa 63 kahon ang tinatayang 756 kilo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang P5,140,800.

Gumamit ang mga operatiba ng P1 milyong halaga ng ‘boodle money.’

Read more...