Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa Davao Oriental – Phivolcs
By Angellic Jordan June 04, 2020 - 05:40 PM
Inihayag ng Phivolcs na walang inaasahang tsunami sa anumang parte ng bansa.
Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental dakong 4:50 ng hapon.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 172 kilometers Southeast ng bayan ng Governor Generoso.
Nagbabala naman ang Phivolcs na posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.