Tuluyan nang nalusaw ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na mayroon pa ring namamataang kaulapan sa Timog-Silangang bahagi ng bansa.
Dahil dito, patuloy aniya itong babantayan ng weather bureau.
Samantala, naka-extend na aniya sa Luzon ang ridge of High Pressure Area habang sa nalalabing bahagi ng bansa ay umiiral ang Easterlies.
Bunsod nito, hanggang sa araw ng Biyernes (June 5), asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa na kung minsan ay may pulo-pulong pag-ulan lalo na tuwing hapon at gabi.
Sinabi pa ni Perez na walang inaasahang bagyo sa bansa sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.