Inanunsiyo ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang ipinatutupad na parking rates sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay alinsunod sa Ordinance 7988 na naipasa noong March 25.
Sa ilalim ng ordinansa, simula sa buwan ng Hunyo, kailangang magbayad ng parking fees sa lungsod.
Sa light vehicles kabilang ang sasakyan, jeep, motorsiklo at pedicab ay may flat rate na P50.
Sa medium vehicles naman kung saan kasama ang van, delivery truck maliban sa ten-wheeler truck ay may flat rate na P75
Para naman sa heavy vehicles tulad ng bus, 10-wheeler trucks at heavy equipment ay may P100 flat rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.