517 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore
Mahigit 500 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 517 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (June 4).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are 15 cases in the community, of whom two are Singaporean/Permanent Resident and 13 are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Ang 15 bagong kaso anila ay close contact ng mga naunang naitalang kaso ng COVID-19.
Sinabi pa nito na asymptomatic ang mga pasyente at nakasailalim na sa quarantine.
Sumailalim na rin anila sa swab testing ang mga bagong kaso para ma-verify ang kanilang lagay.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 36,922 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.