353 OFWs mula Saudi Arabia, nakauwi na ng Pilipinas

Balik-Pilipinas na ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa kabuuang 353 OFWs mula sa isang construction company sa nasabing bansa ang nakauwi ng Pilipinas.

Na-repatriate ang mga OFW ng kanilang employer bunsod ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ng kagawaran na ligtas nilang ire-repatriate ang mga OFW na apektado ng pandemiya.

Read more...