Benepisyo sa health workers na nasawi at nagkasakit ng COVID-19 dapat maibigay hanggang June 9 – Pangulong Duterte
Binigyan lang ng hanggang sa Martes, June 9 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng gobyerno para ibigay na ang nararapat na cash assistance sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang pamilya ng mga nasawing health worker dahil sa COVID-19 ay dapat tumanggap ng P1 million, habang ang mga health worker na nagkasakit ng COVID-19 ay dapat bigyan ng P100,000.
Ayon kay Presidential Spokesperson harry Roque, ibinigay ng pangulo ang deadline matapos makarating sa Malakanyang na hindi pa naibibigay ang cash assistance.
Nitong nagdaang mga araw, ilang senador ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil wala pang sinuman sa mga health workers na naapektuhan ng COVID-19 ang nakatanggap ng ayuda.
Ayo naman sa Department of Health, ipinoproseso na ang pamamahagi ng P1 million na death benefit para sa mga nasawing health workers.
Na-contact na umano ng DOH ang pamilya ng 32 nasawing health workers at ipinasusumite na sa mga ito ang karampatang mga dokumento na kailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.