Pacquiao-Bradley rematch labag sa Comelec rules-Walden Bello

AP photo
AP photo

Dapat umanong ipagpaliban ang nakatakdang rematch nina pambansang kamao Manny Paquiao at Timothy Bradley sa April 2016.

Ayon kay dating Akbayan Party List Representative at senatoriable Walden Bello, magaganap ang rematch sa panahong sakop pa ng election period.

Dahil dito, labag aniya sa Comelec rules ang nasabing laban siguradong i-eere ng maraming media entities.

Ani Bello, unfair para sa ibang kandidato, dahil mabibigyan ng libreng media coverage si Pacquiao sa panahon ng kaniyang laban kay Bradley.

Gaya ng mga tumatakbo sa eleksyon na TV at radio personalities, marapat lamang ayon kay Bello na mag-leave of absence si Pacquiao.

Suhestyon ni Bello, gawin na lamang pagkatapos ng eleksyon ang ikatlong Pacquiao-Bradley fight.

Read more...