743 na empleyado ng Manila City Hall sumailalim sa rapid testing

Umabot na sa 743 na empleyado ng Manila City Hall ang naisailalim sa rapid test para sa COVID-19.

Nagpatupad ng mandatory testing ang Manila City Local Government para sa mga empleyado ng Manila City Hall na magbabalik-trabaho.

Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at mga residenteng may transaksyon sa City Hall.

Kailangang negatibo ang resulta ng test ng mga empleyado bago sila payagang makabalik sa kani-kanilang mga opisina.

 

 

Read more...