34 elevators, 44 escalators ng MRT-3 gumagana na

Gumagana ang lahat ng 34 na elevators, at 44 sa 46 na escalators sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-3.

Bago ang ginawang massive rehabilitation works sa MRT-3 ng Japanese contractor na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TESP ay 19 lamang sa 46 na escalators at 27 lamang sa 34 na elevators ang operational.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan, noong kasagsagan na suspendido ang operasyon ng MRT-3 nakipag-ugnayan ang DOTr sa IATF para matiyak na magpapatuloy ang rehabilitasyon at maintenance sa MRT-3.

Tiniyak naman ng DOTr MRT-3 na maayos sa lalong madaling panahon ang dalawa pang hindi gumaganang escalators.

Naantala kasi ang pag-deliver sa mga bahagi nito dahil sa pandemic ng COVID-19.

Nagpapatuloy din ang pagpapalit ng riles sa MRT-3.

As of June 2, 2020 ay 40,860 na mula sa 65,892 (62.01%) linear meters ng riles ang napalitan na,

 

 

 

 

 

Read more...