Anim pang bagong ruta ng para sa rationalized bus routes sa Metro Manila bubuksan ng DOTr

Anim pang bagong ruta pa ang nakatakdang buksan ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng rationalized bus routes sa Metro Manila.

Ayon sa anunsyo ng DOTr, simula bukas, June 5 ay madaragdag ang sumusunod na mga ruta ng bus:

• Monumento – Balagtas, Bulacan
• EDSA – Montalban, Rizal
• NAIA Loop

Simula naman sa Lunes, June 8, available na rin ang sumusunod na city bus routes:

• Monumento – VGC
• Gilmore – Taytay
• Monumento – San Jose Del Monte

Makikipagpulong ngayong araw ang LTFRB sa mga concerned bus operators para malaman kung ilang bus units ang kanilang maide-deploy.

Sa pagsisimula ng GCQ binuksan na rin ng DOTr ang iba pang ruta ng mga bus kabilang ang:

Angat – Quezon Ave.
*Number of authorized units: 510

Dasmariñas – NCR
*Number of authorized units: 151

Cubao-Antipolo – to augment LRT-2.

EDSA Taft-Monumento – to augment LRT-1.

EDSA Carousel – to augment MRT-3.

 

 

 

 

Read more...