Employer ng nasawing OFW sa Riyadh, Saudi Arabia hihingan ng paliwanag ng embahada ng Pilipinas
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia ang pagpanaw ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Marcelo Tanyag III.
Si Tanyag ay una nang nag-post ng video sa Facebook at nanawagan ng tulong dahil hindi umano siya dinadala sa ospital ng kaniyang employer sa kabila ng matinding ubo, lagnat, at hirap sa paghinga.
Sa pahayag ng embahada, nagpaabot ito ng pakikiramay sa mga naulila ni Tanyag.
Sinabi rin ng embahada na hihingan nito ng paliwanag ang employer ni Tanyag hinggil sa kawalan nito ng aksyon sa pagkakasakit ng OFW.
Nakausap na din ng embahada ang kumpanya para sa agad na repatriation ng mga labi ni Tanyag gayundin ang pagsiguro sa mga benepisyo nito.
Tiniyak ng embahada na sa kabila ng pandemic ng COVID-19 ay patuloy na pinoprotektahan ang karapatan at interest ng mga OFW sa Saudi Arabia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.