Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.60 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (June 4) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.78 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.03 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.04 habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.24 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.32 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.
MOST READ
LATEST STORIES