LPA na binabantayan ng PAGASA mababa ang tiyansa na maging bagyo; easterlies umiiral sa bansa

By Mary Rose Cabrales June 04, 2020 - 06:12 AM

Mababa ang tiyansa na maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA.

Ayon sa 5AM weather advisory ng weather bureau, sinabi ni Samuel Duran, ang LPA ay huling namataan sa 510 kilometers silangan ng Basco, Batanes alas-3:00 ng madaling araw.

Wala namang epekto ang LPA sa bansa.

Nakakaapekto naman ang easterlies sa ating bansa.

Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan ngayong araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero asahan na ang mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat kaya malayang makapaglalayag ang mga mangingisda at may mga may maliliit na sasakyang pandagat.

 

 

TAGS: easterlies, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, easterlies, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.