Refund, posibleng iutos ng ERC sa Meralco

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2016 - 06:55 AM

meralco2Posibleng iutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ang refund ang Meralco para sa dagdag singil sa kuryente na kanilang ipinatupad ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon kay ERC Spokesperson Atty. Florisinda Digal, kung mapapatunayan ng ERC na may mali sa computation at diskarte ng Meralco sa desisyon nitong magpataw ng 42 centavos kada kilowatt hour na dagdag singil ay ipag-uutos nila ang refund.

Kinakailangan kasi ayon kay Digal na mapatunayan ng Meralco na ginawa nila ang lahat para ‘least cost’ ang maipataw na dadgag singil sa kuryente.

Ang Meralco ay nagsumite na ng paliwanag sa ERC hinggil sa nasabing power rate hike.

Ang paliwanag ng Meralco ay sasailalim sa pag-aaral ng ERC na posibleng tumagal ng isang buwan.

Nanindigan naman ang Meralco na tama ang ipinatupad nilang power rate hike at kumpiyansang hindi ito mauuwi sa refund.

TAGS: Meralco, Meralco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub