Quarantine facility sa San Andres Sports Complex, binuksan na
Binuksan na ang quarantine facility sa San Andres Sports Complex sa Lungsod ng Maynila, June 3.
Ayon sa Manila Public Information Office, pinasinayaan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ika-walong quarantine facility sa lungsod.
Siniguro ni Vice Mayor Lacuna-Pangan na patuloy na naghahanda ang Manila City government sa mga posibleng idulot ng COVID-19 pandemic.
“Ito po ay naitayo sa loob ng dalawang linggo, isang patunay na gagawin lahat ng Pamahalaang Lungsod upang maproteksyunan at bawat Batang Maynila,” pahayag ni Lacuna-Pangan.
Magtatayo rin aniya ng sariling PCR Laboratory para sa pampublikong kalusugan sa lungsod.
“Hindi lang pasilidad, hindi lang testing, pati equipment. I want to share to you that we will have our own testing laboratory para sa long-term approach in our fight against COVID-19,” ayon sa bise alkalde.
Sa ngayon, apat na ang quarantine facilities na isinasagawa sa lungsod.
Kabilang dito ang Tondo Quarantine Facility, Del Pilar Quarantine Facility, Patricia Quarantine Facility at Bacood Quarantine Facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.