Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 2,675 – DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) na may mga panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,675 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 2.

Sa nasabing bilang, 1,186 ang aktibong kaso kung saan 197 ang asymptomatic, 988 ang mild at isa ang may severe condition.

Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 728
– Nurse – 981
– Nursing Assistant – 175
– Medical Technologist – 109
– Radiologic Technologist – 55

Nasa 332 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.

Samantala, 1,457 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 2.

Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.

Read more...