Alok ng IBC-13 sa new normal education, ikinatuwa ni Sen. Go
Positibong kaganapan para kay Senator Christopher Go ang alok ng state media company Intercontinental Broadcasting Corporation’s (IBC-13) na magamit ang kanilang pasilidad para sa binabalak na virtual learning ngayon nananatili pa rin ang COVID 19 crisis.
Sabi ni Go, sa alok ng IBC 13 ay maari nang matuloy ang binabalak ng Department of Education o DepEd na masimulan ang ibang pamamaraan ng pagtuturo sa darating na Agosto 24.
Patuloy niyang hinihimok ang kagawaran na maghanap ng mga alternatibong pamamaraan para matiyak na magpapatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kabila nang pag-iral pa rin ng bansa ng COVID-19.
“Gamitin ang teknolohiya na available para sa distance learning tulad ng pagkakaroon ng virtual classrooms. May airtime rin na allotted for educational programs ayon sa batas, pwede po itong gamitin bilang alternative mode of teaching and learning,” aniya.
Binanggit nito ang Republic Act No. 8370 o ang Children’s Television Act of 1997, na nagtatakda ng 15% daily total air time ng mga programa sa mga television channels ay dapat nakalaan para sa paghubog sa kaisipan ng mga bata.
“Hindi naman po lahat ng kabataan may access sa internet o smart phones. Malaking tulong kung magamit ang ‘free TV’ para sa edukasyon,” sabi pa ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.