LOOK: Pitong lugar na nakapagtala ng pinakamataas na heat index, June 3
Nakapagtala ng mataas na heat index ang pitong lugar sa bansa, araw ng Miyerkules (June 3).
Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Science City of Muñoz at Sangley point, Cavite City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 48 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).
Naitala naman ang 46 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na mga lugar at oras:
– Ambulong, Tanauan City (5:00 ng hapon)
– Guiuan, Eastern Samar (2:00 ng hapon)
Samantala, 45 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon naman ang naitala sa sumusunod na lugar:
– Calapan City
– Dagupan City
– Taguegarao City
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.