Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 41 degrees Celsius
Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Miyerkules (June 3).
Ayon sa PAGASA, umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon alas-3:00 ng hapon.
Umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.