Francisco, Southern Leyte muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers northwest ng bayan ng Francisco, alas-7:45 gabi ng Miyerkules (June 3).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Naunang niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lugar kaninang 7:22 ng gabi.

Read more...