‘Nike’ nilaglag na si Pacquiao bilang endorser

(AP Photo/Frank Franklin II)
(AP Photo/Frank Franklin II)

Nilaglag na ng sports company na ‘Nike’ si pambansang kamao Manny Pacquiao bilang endorser ng kanilang sports apparel.

Sa statement na inilabas ng kumpanya, sinabi nito na hindi nila nagustuhan ang komento ng pambansang kamao kamakailan na nagkukumpara sa mga gawain ng mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders o LGBT sa mga hayop.

““We find Manny Pacquiao’s comments abhorrent. Nike strongly opposes discrimination of any kind and has a long history of supporting and standing up for the rights of the LGBT community. We no longer have a relationship with Manny Pacquiao,”ayon pa sa stement ng ‘Nike’ na iniulat ng ESPN.

Matatandaang umani ng batikos si Rep. Pacquiao sa mga sinabi nito na mas masahol pa sa hayop ang pakikipagtalik ng lalake sa lalake o babae sa babae.

Gayunman, humingi na rin ng paumanhin si Pacquiao sa mga nasaktan sa akyang statement.

Ipinaliwanag nito na hindi ang mismong LGBT community ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang pahayag kung hindi ang pakikipagtalik lamang ng mga LGBT sa kapareho nila ng kasarian.

Endorser si Pacquiao ng mga produkto ng Nike sa loob ng halos walong taon.

Read more...