Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 520 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 3:00 ng hapon.
Malayo pa aniya sa kalupaan ng bansa ang LPA.
Dahil dito, sinabi ni Aurelio na hindi nakakaapekto ang LPA sa bansa.
Patuloy aniyang makararanas ng maaliwalas na panahon ang buong bansa na kung minsan ay maulap na papawirin na maaaring magdala ng localized thunderstorm tuwing hapon hanggang gabi.
Sinabi rin nito na mababa ang tsansa na lumakas at maging bagyo ang LPA.
MOST READ
LATEST STORIES