39 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa 39 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 3, umakyat na sa 2,205 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 5,259 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,700 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, pito ang pumanaw pa kung kaya 354 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,274 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 834 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 656 naman ang kaso sa Americas at 495 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.