NBI, iimbestigahan ang pananambang sa isang testigo sa Maguindanao massacre

Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring pananambang sa isang testigo ng Maguindanao massacre.

Sugatan si Mohamad Sangki at ang kaniyang bodyguard nang pagbabarilin habang nasa sasakyan sa bahagi ng Tantangan, South Cotabato Miyerkules ng umaga (June 3).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maglalabas siya ng direktiba sa NBI para magsagawa ng imbestigasyon.

Hiwalay pa aniya ito sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Read more...