P17.38-M halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat ng BOC
Nasabat ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) ang P17.38 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo, araw ng Miyerkules (June 3).
Naglalaman ang kargamento ng mga pekeng Mighty at Marvels brand cigarettes.
Ayon sa BOC, naka-consign ang kargamento sa Mvetisery Industrial Supply na nagmula sa China at dumating noong May 22.
Inilagay sa hold ang kargamento at naglabas ng Pre-Lodgement Control Order noong May 27 matapos matanggap ang derogatory information POM mula sa BOC-Enforcement Group (EG).
Ipinag-utos ni District Collector Arsenia Ilagan ang paglalabas ng Warrants of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Section 1401 “Unlawful Importation or Exportation” na may kinalaman sa Section 1113 “Property Subject Seizure and Forfeiture” ng Customs Modernization and Tariff Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.