BREAKING: Testigo sa Maguindanao massacre, sugatan sa pananambang

Nasugatan matapos tambangan ang isang testigo sa Maguindanao massacre.

Lulan ng sasakyan si Mohamad Sangki nang pagbabarilin Miyerkules, June 3 ng umaga sa Tantangan, South Cotabato.

Ayon sa abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre na si Atty. Nena Santos, nasugatan si Sangki at kaniyang bodyguard.

Nagtamo umano ng sugat si Sangki dahil sa pagbangga ng sasakyan nang mangyari ang pamamaril.

Sinabi ni Santos na nagawa ng security ni Sangki mula Witness Protection Program na makaganti ng putok at tinamaan ang isa sa mga suspek.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad.

 

 

Read more...