Mga jeepney driver na nawalan ng hanap buhay planong kuhanin i-hire bilang contact tracers
Hinahanapan na ng Palasyo ng Malakanyang ng alternatibong hanapbuhay ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, target ng pamahalaan na kunin na contact tracers ang mga jeepney driver.
Ibig sabihin, sila ang mga magiging tagahanap sa mga taong nakasalamuha sa mga nagpositibo sa COVID-19.
“Well, alam ko po ngayon ay naghahanap na ho tayo ng alternatibong mga kabuhayan sa kanila. Mayroong suhestiyon dati na ilan sa kanila ay kukuning contact tracers dahil mangangailangan tayo ng contact tracers ,” pahayag ni Roque.
Habang hindi pa pinapayagan ang mga jeep na makabiyahe, tinutukan naman aniya ng pamahalaan ang modernisasyon nito.
“At pagdating naman po sa modernization, baka naman po ma-built in na iyong social distancing at mayroong ilang mga modernong mga jeepney na mapapayagan sa mga darating na araw. Pero napakahirap po talaga iyon desisyon dahil imposible po talaga ang distancing kapag harapan ang pasahero sa mga jeep,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.