Umano’y video ni Kim Chiu habang nagsasayaw ng ‘Bawal Lumabas’ sa EDSA iimbestigahan ng MMDA

Iimbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga viral video ng pagsasayaw umano ng aktres na si Kim Chiu sa EDSA.

Base sa kumalat na video sa social media, bumaba ng kaniyang sasakyan sa Chiu at saka sinayaw ang single niyang ‘Bawal Lumabas’.

Bagaman hindi malinaw ang mukha dahil naka-face mask, naka-tag ang Instagram account ni Chiu sa nasabing post.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, beberipikahin nila ang mga ulat ng pagsayaw na ito ni Kim sa EDSA.

Aalamin umano nila kung talagang nangyari nga ito sa EDSA.

Posible ring imbitahan ng MMDA si Chiu para maipaliwanag ang kaniyang panig.

 

 

Read more...