Umano’y video ni Kim Chiu habang nagsasayaw ng ‘Bawal Lumabas’ sa EDSA iimbestigahan ng MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2020 - 10:56 AM

Iimbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga viral video ng pagsasayaw umano ng aktres na si Kim Chiu sa EDSA.

Base sa kumalat na video sa social media, bumaba ng kaniyang sasakyan sa Chiu at saka sinayaw ang single niyang ‘Bawal Lumabas’.

Bagaman hindi malinaw ang mukha dahil naka-face mask, naka-tag ang Instagram account ni Chiu sa nasabing post.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, beberipikahin nila ang mga ulat ng pagsayaw na ito ni Kim sa EDSA.

Aalamin umano nila kung talagang nangyari nga ito sa EDSA.

Posible ring imbitahan ng MMDA si Chiu para maipaliwanag ang kaniyang panig.

 

 

TAGS: Bawal Lumabas, edsa, Inquirer News, Kim Chiu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bawal Lumabas, edsa, Inquirer News, Kim Chiu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.