Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsampa ng reklamong graft base sa direktiba ng DILG.
Sinabi ni DILG Spokesman at Usec. Jonathan Malaya, nagpapatuloy pa ang case build-up ng PNP laban sa 76 pang opisyal ng barangay.
Malaking bilang ng nasampahan ng reklamo ay pawang mga kapitan at kagawad.
Mayroon ding naireklamong barangay secretaries, health workers, treasurers, SK chairman at iba pa.
Reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang isinampa laban sa mga opisyal.