Barangay officials na nasampahan ng reklamo dahil sa anomalya sa SAP distribution, 301 na ayon sa DILG
Mayroon nang 301 na mga opisyal ng barangay na nasampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa anomalya sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsampa ng reklamong graft base sa direktiba ng DILG.
Sinabi ni DILG Spokesman at Usec. Jonathan Malaya, nagpapatuloy pa ang case build-up ng PNP laban sa 76 pang opisyal ng barangay.
Malaking bilang ng nasampahan ng reklamo ay pawang mga kapitan at kagawad.
Mayroon ding naireklamong barangay secretaries, health workers, treasurers, SK chairman at iba pa.
Reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang isinampa laban sa mga opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.