VFA termination, sinuspinde lang ayon sa Malakanyang

Photo grab from PCOO Facebook video

Suspended lamang.

Ito ang naiksing tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin na ang termination ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement sa Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw naman ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na suspended lamang ang termination ng VFA.

“Termination is just suspended. Clear from note of Secretary of Foreign Affairs,” pahayag ni Roque.

Matatandaang ibinasura ni Pangulong. Duterte ang VFA matapos kanselahin ng Amerika ang US visa ni Senador Ronald dela Rosa.

 

 

 

 

Read more...