Bahagi ng Brgy. Alabang sa Muntinlupa isanailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2020 - 09:38 AM

Nagpatupad ng Extreme Localized Community Quarantine sa Morning Breeze sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Base sa executive order ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang pag-iral ng ELCQ sa Morning Breeze ay nagsimula na alas 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules, June 3.

Tatagal ito hanggang alas 11:59 ng gabi ng June 5.

Sa ilalim ng lockdown ang PNP ay magsasagawa ng round the clock at overall security para mabantayan ang galaw ng mga residente sa Morning Breeze.

Magsasagawa din ng pagbabantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Laguna Lake coast line sa naturang lugar.

Ang City Health Office ay magsasagawa ng mass testing sa mga residente.

Habang ang Social Service Department ang magtitiyak na may food packs na maihahatid sa mga residente sa loob ng 3 araw na ELCQ.

Ikinabahala ng lokal na pamahalaan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Morning Breeze.

Sa paunang PCR test na isinagawa, 6 ang agad na nagpositibo.

 

 

TAGS: Alabang, covid pandemic, COVID-19, department of health, Extreme Localized Community Quarantine, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, morning breeze, Muntinlupa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alabang, covid pandemic, COVID-19, department of health, Extreme Localized Community Quarantine, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, morning breeze, Muntinlupa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.