“Sunnylands Declaration” nabuo sa US-ASEAN summit

By Kathleen Betina Aenlle February 18, 2016 - 04:31 AM

 

obama asean summitNag-labas na ang mga leaders ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama si US President Barack Obama, ng kanilang joint declaration na naging resulta ng kanilang pagpu-pulong sa California.

Sumentro ang “Sunnylands Declaration” sa pag-respeto sa soberenya ng bawat bansa at sa mga batas alinsunod sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nag-kasundo rin ang mga ASEAN leaders at ang Estados Unidos na mag-kaisang protektahan ang kapayapaan at freedom of navigation and overflight sa South China Sea, pati na rin ang pagpapanatili sa seguridad at stability sa rehiyon.

Sama-sama ring nanindigan ang mga pinuno sa “non-militarization” sa rehiyon, kasunod ng pahayag ng mga leaders ng kanilang pagka-bahala sa nagaganap na militarisasyon sa South China Sea.

Mas tumindi pa ang pagka-bahala nila nang lumabas ang ulat na nag-padala ng missiles ang China sa Woody island na isa sa pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon.

Kaugnay rito, nanawagan rin si Pangulong Benigno Aquino III ng pag-respeto sa batas sa pamamagitan ng pag-sunod sa desisyon ng UN arbitral tribunal.

Nilinaw naman ni Aquino na walang balak ang Pilipinas na armahan ang sarili at sumabak sa pakikipag-digmaan kaugnay sa isyu ng teritoryo.

Una na niyang pinayuhan ang mga bansang naaagawan umano ng teritoryo na resolbahin ang isyu sa South China Sea sa mahinahon at mapayapang paraan.

Samantala, bukod sa pagkakaisa para sa kapayapaan sa South China Sea, ipinahayag rin sa deklarasyon ang nagka-isang paninindigan ng mga leaders laban sa terorismo at extremism, human at drug trafficking, iligal na pangingisda at pati na rin ang iligal na pagbebenta ng wild animals at mga troso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.