NBA Hall of Famer Wes Unseld pumanaw sa edad na 74

Pumanaw na sa edad na 74 si NBA Hall of Famer Wes Unseld.

Kinumpirma ito sa inilabas na pahayag ng kaniyang pamilya at ng koponan ng Washington Wizards.

Ayon sa kaniyang pamilya, pumanaw si Unseld matapos ang matagal nang paglaban sa karamdaman.

Kamakailan ay nagkaroon ito ng pneumonia.

Si Unseld ay naglaro para sa Washington franchise sa loob ng 13 seasons sa NBA.

Noong 1978 ay itinanghal siyang NBA Finals MVP.

Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Unseld ang pamunuan ng Wizards.

 

 

 

 

Read more...