LPA na binabantayan ng PAGASA posibleng malusaw ngayong araw
Mababa ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA at ito ay may posibilidad na malusaw na ngayong araw ng Miyerkules (June 3).
Ayon sa 4AM weather advisory, sinabi ng weather specialist na si Meno Mendoza, huling namataan ang LPA sa 635 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan at 610 kilometers silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.
Wala namang epekto ang LPA sa bansa.
Samantala, nakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Palawan, Western Visayas, at Mindanao kaya asahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan ngayong araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero asahan na ang mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat kaya malayang makapaglalayag ang mga mangingisda at may mga may maliliit na sasakyang pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.